Hi, this is Joshua and Xavier, and this is our first blog.
CvSU, or Cavite State University, na kilala noon sa tawag na DSAC o Don Severino Agricultural College. Pero, maraming branches ang CvSU, but we will focus the subject matter sa Main Campus, kung saan kami currently nag-aaral..
So brief history muna tayo. As we just said a while ago, ang CvSU ay dating kilala sa tawag na DSAC. Founded by American Thomasites in 1906. Kaya naging DSAC ang pangalan ng campus, ay dahil sa pagkilala sa contribution ni Don Severino sa lalawigan ng Cavite. Naging CvSU ang name nung July 22, 1998.
So, anong meron sa CvSU main? Eh di mga students at classrooms!! hehehe...Sa tinagal-tagal na naming nag-aaral sa CvSU, hymn pa lang yata nito ang kabisadong kabisado namin. Isama mo pa ang mga vision, mission and goals. Pero kahit ganoon, magshe-share na lang kami ng buhay namin sa CvSU.
Typical lang kaming estudyante, pasok ng Monday to Thursday, attend ng mga subjects, minsan maaga pumasok, minsan late, minsan papasok kahit walang klase, minsan papasok tapos wala yung prof, YEHEY!!
As a BS Computer Science student, medyo masasabi namin na hectic ang schedule. Pero kahit ganoon, we find ways to enjoy it. Third year na kami, nagsimula sa about 40+ na matatapang na estudyante, down to 21. Minsan sabi ng iba sa amin, "Ang gagaling nyo na siguro, kasi kayo na lang ang natira?". Ang sa amin, yeah, magagaling nga kami, pero hindi sa parehong aspeto. Yung iba magaling mag-code, yung iba sa troubleshooting, yung iba sa minor subjects lumalabas ang talent, yung iba sa major, yung iba sa exams, at marami pa.
Pero may isang talent ang BSCS 3-1, yun ay ang magpamove. Kahit sino sa amin ay may taglay na ganong talent. Magpamove ng oras ng subjects, ng defense, ng submission time, ng exams at iba pa. Pero syempre, hindi lahat ng prof namin ay tinatablan ng powers na yun. Para na nga kaming irregular students eh. But, by living that way kaya kami nagsurvive at nakatungtong ng third year.

So share naman kami ng mga napapansin namin currently sa CvSU. Unahin na natin ang mga guardians, este mga guards. Napapansin namin nitong mga nakaraang araw na parang nagiging fashionista ang mga guard. Kasi, kapag di nila trip ang buhok mo, haharangin ka at pag minalas, kuha pa ang ID mo. Pero ako, lagi kong trip ang maigsing buhok, kaya di ko sila ganoong pansin(Xavier). Ang isa pang reklamo minsan ay di malaman ang sinusunod nilang dress code. Kasi minsan, may nakakapasok na nakatsinelas at meron din namang di nakakalusot.
Isa sa mga napansin ko(Joshua), ay ang paglalagay ng bubong sa daanan ng estudyante sa loob ng campus. Napansin ko lang na parang pinapatay na nila yung mga puno na dating nagbibigay lilim sa daan para lang mapalitan ng mga bubong. Nature lover ako, kaya medyo disagree ako kung bubunutin lang yung mga puno tapos, hahayaan na lang mamatay. Pero as of now, isa pa lang naman ang nakikita kong binunot nila.
Di na namin hahabaan ito, nagshare lang kami ng mga bagay bagay about sa CvSU.
References: