




Christmas, ang araw kung saan nagiging galante ang lahat ng tao. hahahaha. . Bakit ko nasabing galante? Hindi naman lahat eh nagbibigay ng pera o nanlilibre pag pasko. Sadya lang talaga na mapagbigay sila pag pasko para di naman nakakahiya sa mga nakaabang nilang mga pamangkin at inaanak.
Anyway, share ko lang sa inyo yung mga foods na niluto namin nitong nagdaan lang na pasko. Ngayon pa lang eh humihingi na ako ng konting pasensya kasi, nawala yung mga pics na kelangan kong gamitin para sa blog na ito. Nakapagsalba lang ata ako ng five pics.
Those shots were taken on December 25, 2011, the day of Christ's birth(paulit-ulit). Hindi ko na naretrieve yung mga picture ng foods nung noche buena eh, kaya yan lang ang nakuha ko.
We have prepared, puto, inihaw na isda, pork chops, bread, palabok, pancit malabon, rice, and cassava cake. Ah, we also have graham.
The puto, the bread,(which was formed into a shape of lechon) and the palabok were ordered from trusted cooks. The pancit malabon was prepared by my mom. The graham was prepared by my sister.
Unluckily, I can't show you the the pictures that I have taken while my grandmother, my mom and my sister prepare those foods. Badtrip talaga yun... Pero anyway, buti na lang at may nakuha pa ako.
Dun sa mga pics na yun, pinapakita ko kung pano ka muna maghihirap bago magluto ng isang putahe. For example, nung magluluto ng ube at ng menudo ang lola ko, preferred nya ang paggamit ng kahoy na panggatong para sa pagluluto, mas matipid daw kasi kaysa gagamit ka ng LPG. On the other side, mahirap kasi, mausok ang kahoy atsaka hassle sa pagpapabaga.
Sa process naman ng pagluluto ng ube, masusubukan ang tatag ng mga braso mo. The ube has to be stirred all the time, para di dumikit yung mixture sa kawa. Kapag dumikit kasi yung iba, hindi mo na matatanggal, sayang. Syempre sa unang part ng paghahalo, di ka pa mangangalay. Ang masakit na part na lang eh pag malapit nang maluto ang ube, hanggang sa part na ayaw nya nang magpahalo sayo sa sobrang lapot nya. Pero masarap kumain ng ube pag pinaghihirapan mo yung paghahalo.
Dun naman sa ibang putahe, di ko naman nakita kung paano sila lutuin eh, nakita ko na lang na nakahain sila dun sa mesa namin. Yung pancit malabon na niluto ng mama ko eh parang nagluluto lang ng spaghetti. Lutuin mo muna yung sauce bago mo pakuluan yun pasta.
The graham, madali lang, lagay, lagay ka lang ng mga graham crackers, lagyan mo ng mixture of condensed milk, cream and sugar, then lagay mo na yung fruit na gusto mong ilagay. Repeat the process kung gusto mo pang pakapalin ang graham cake mo. Pag satisfied ka na sa thickness, lagyan mo na ng mixture sa taas and budburan ng crushed graham, then that's it, Graham Cake.
Naging ugali na namin yung umoorder na lang ng ibang putahe para di naman hassle at gahol na gahol sa oras.
Yan lang ang maiishare ko dito sa blog na ito. Hope you like it...
Joshua Antonelli C. Austria
200911109