Sabado, Pebrero 25, 2012

About Our Thesis. .(Continuation)

     Hi there, here I am again for another blog. .  First of all, gusto ko munang magpasensya sa late na posting ngayong araw na ito... Ang hirap kasi makaconnect sa Internet dito sa bahay ng tita ko eh, kaya ngayon na lang ako nakagawa. .


___________________________________________________________________________________
My topic for now is about the stand of our thesis at these times. . Kung nabasa nyo yung nauna kong blog, sinabi ko na dun kung ano yung naging plano namin ng partner ko para sa preparation namin paran sa thesis. . Sinabi ko din dun na ang napili naming thesis is about AI(Artificial Intelligence) and that is about gaming. .

Dun din sa nauna kong blog eh sinabi ko na ang tipo ng game na gusto namin eh yung parang Devil May Cry ang level. . But unfortunately, nagdesisyon kami na magback-out dahil na din sa kakulangan namin sa knowledge about game developing at sa oras.


___________________________________________________________________________________

      For now, ang napili naming gawin is Motion Detecting System. .  What is it about? Wala lang, may camera lang naman tapos rerecord mo lang yung mga gusto mong mangyari. .  hehehe. . . Hindi . . Ang samin eh parang gusto naming daigin yung mga kakayahan ng mga normal na CCTV cameras.
   
      Sa pagkakaalam natin eh ang mga CCTV cameras ay ginagamit ng karamihan sa atin para sa security purposes.  . Nirerecord nila ang mga pangyayari para makita nila kung meron na bang mga mapagsamantalang tao ang nakapasok sa isang lugar na binabantayan nila. .

     For us naman, ang purpose namin is to solve the problem on sports.  . Bakit? Motion Detecting system will be able to create some frames around the specific area that it detected that has motion.  . Ang naging kasunduan namin ng partner ko eh isolve yung mga problema lalo na sa combative sport kung saan hirap ang mga judges na magbigay ng points sa mga players..

    As a player of a combative sport, which points out to Karate-do and Arnis-de-mano, mahirap makita ng mga judges kung sino ang bibigyan ng puntos kahit na sabihin na maganda pa ang anggulo nila sa gaming place. .

   Hindi lang sa combative sports ang balak namin isolve, pati sa mga team sports. .  Halimbawa na lang eh sa basketball. . Pwede nang malaman ng mga referee kung sino talaga sa mga players ang nagcommit ng foul o violations. .

   Naisip lang namin na with the help of technology, masosolve namin yung mga problems na medyo nahihirapang pagdesisyunan ng mga tao dahil na din sa mga sari-sarili nilang kadahilanan sa buhay. . hehehe. .

   Oo nga pala. Malamang eh sa AI or Fuzzy Logic papasok yung thesis namin ngayon. . Medyo mahirap nga lang sa tingin namin pero kailangan naming kayanin dahil sa bukod sa marami nang gumawa ng games, eh mahirap ding maggawa ng game na unique.  .


   As of now, medyo kaunti pa lang ang nagagawa namin sa thesis namin. . Hopefully sana eh hindi kami magpalit ng topic o kaya eh magfail yung ginagawa namin. .

   Thats for now, thanks for reading our blog. .

Joshua Antonelli C. Austria
200911109

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento