Anyway, my topic will be about the subject, which is MIS at tungkol sa instructor namin na Imba na nga sa knowledge eh Imba pa magpaexam at magturo. . hahaha. .
About the Subject. . .
MIS or Management of Information System ay isang subject na kinakatakutan namin noong magkaklase. . Bakit? Kasi naranasan na naming katayin ng mga subjects. . Paano?? Danasin mo kaya yung mga dinanas naming mga projects, assignments, systems, at kung ano ano pang ikababaliw ng mga students. .
Nung una, aminado ako na kabado talaga ako sa MIS dahil sa medyo naisip ko lang na medyo nasa level na kami na mataas ang difficulty. . Kasabay na ng kutob na yan eh yung mga assumed, tambak project, assignments, systems, at kung ano ano pa. . At hindi nga ako nagkamali. . Parang kong na-foresee ang mga mangyayari sa amin sa MIS. . Katay na kagad kami sa mga bilin pa lang ni sir, at isa na nga dun ang paggagawa ng blogs weekly based sa mga topics na ibibigay nya. . Puzzled and bothered kami nung una. . Naglalaro sa isip namin, "anong maitutulong ng blog sa amin pag-graduate namin?". . Pero gaya ng sabi ni sir, para na rin kaming nagdefense sa harap ng maraming tao sa paggagawa ng blog. .
Ang masayang part sa pag-aaral ng MIS eh yung pag-aaral ng sandamakmak na acronyms at iba pang mga terms na talaga namang pipilitin mong isiksik sa utak mo kahit na pwersahan pa talaga. . . ahahahaha. .
Hindi naman porke alam mo na ang mga meaning ng mga terms eh tapos na ang use nila. . Hindi lang sila pangexam, magagamit mo din kasi sila sa outside world. . Bakit? MagComSci kayo ng malaman nyo. . hehehe. . Dahil para sa akin, itong experience na ito ang mahirap ipaliwanag dahil sa mga halo-halong emosyon naming buong klase. .
May natutunan ba naman ako?
Aba'y oo naman. . At isa na dun na "OK lang magmura ang klase sa gitna ng discussions" HAHAHAHAHA. . . Bukod naman sa mga terms, eh mas naintindihan ko yung mga lessons na napagdaanan namin the past years. . Kung ano ang use nila at inimbento pa sila ng mga impaktong analysts at iba pang imbang tao. . Kahit na mahirap silang tandaan dahil sa mga complicated nilang names eh maiintindihan mo din kung bakit. . Siguro, dahil na din sa dami ng acronyms na nagamit na. . Kaya no choice sila kung di magresort sa mga mahihirap na combinations ng acronyms. . hahaha. .
Mahirap kasing isa-isahin ang mga natutunan ko sa MIS eh. . Ang masasabi ko lang talaga eh, para bang pinalitan ng malaking flash light ang kandila mo para mas magkaroon ng liwanag at makita mo ang daan. . hahahaha
_________________________________________________________________________________
About the Teacher. . .

sir, pahiram muna nito ah.. hahahah
Dito sa part na ito ako maraming masasabi. . First of all, sino ang matindi naming prof sa MIS. . Si Sir Michael Louie Ferrer. . Na nung una eh nagkamali pa ako ng sulat ng pangalan. . Imbes na Michael eh ang nailagay ko ay Mark. . Tawa na nga lang ang nagawa ni sir noon eh. .
First Impression: Mukhang hindi pa nagpapasa ng estudyante sa mga handled subjects. . Sa isang tingin nya sa iyo eh parang magbabalak ka nang magdrop sa subject nya. . Yung tipo ng taong, di mo pwedeng tanungin kasi mapapatay ka lang sa mga sandamakmak na questions, in short nareverse ka lang ng tanong. . hahaha. .
After a few meetings: Aba, nagbago ang tingin ko kay sir. . Sobrang kulit, akala mo eh ang nagtuturo sa harap eh kaklase mo lang na walang magawa sa mga nalalaman nya kaya kinukwento na lang. . Imba din si sir. . . Isa sa mga tumatak sa akin eh ang mga pagmumura nya sa discussions na minsan eh kasinglutong ng chicharon na suka na lang ang kelangan eh swak na. .
Hindi ko rin nakitaan si sir na may dalang libro. . Ang nagsisilbing libro nya eh ang utak nya at ang tablet nya na PDF's lang naman ang laman. . Kung magdiscuss eh may kasamang biro, mura, explanations, mura, biro, elaborations, answers to questions, impersonations kay MASTER, at iba pang mga bagay. . hahahaa. .
About sa Exams: Kapag online exams, maluwag kung sa maluwag si sir. . bahala ka kung anong diskarte mo para makakuha ng mataas sa exam. . Pero pag written, parang may nakatutok na CCTV camera sa iyo. . Para bang binabawi lang ni sir yung pagiging maluwag nya sa amin kapag nageexam kami Online. .
Nung minsan pa ngang kelangan nyang magCR at walang pwedeng magbantay sa amin eh vinedeohan nya na lang kami sa CP nya para malaman kung sino ang nangongopya at dumidiskarte ng sagot sa kaklase. .
Projects, Assignments, ETC: Para sa akin eh hindi masyadong mahigpit si sir sa projects and assignments. . Kung may valid reason ka, oh kaya eh magaling kang magsinungaling eh pwede kang magpasa ng project sa kanya ng lampas sa deadline, may deduction nga lang. . Pero ang point naman nya eh OK na yun kaysa wala. .
Inuman and DoTA(Recently lang to hahaha): Ok si sir, gaya ng sinabi ko kanina, parang kaklase lang ang turing namin sa kanya. . Pero, malaki ang respeto ko kay sir, IDOL. . hahaha. . First time kong nakaranas ng prof na nakasama namin sa inuman(kahit hindi naman ako umiinom) at nakikipagbasagan ng trip sa aming magtotropa. . . Pag mas nakasama mo si sir eh hindi mo aakalain na ganoon pala sya kabait. . Hindi nya lang talaga masyadong ipinapakita sa mga estudyante nya. . Hindi ko alam kung bakit, at ayaw kong magtanong. .
Hindi ka iiwan ni sir ng hindi ka prepared. . Kung baga ba sa kuya eh, hindi ka nya hahayaang bumiyahe ng alam nyang kulang ang pamasahe mo. . haha. . Hindi spoon feed kung magturo at magexplain si sir. . Puro kalokohan pa nga ang mga sinasabi minsan. . Pero sa ganoong paraan, natuto kami sa kanya sa paraang matatandaan naming mabuti dahil sa dala nitong saya at ngiti. . Kung magexplain sya eh ang sasabihin nya sa iyo eh yung nalalaman lang nya generally for the topic. . Ieencourage ka lang nya na mas alamin pa ito using your own way and not by asking him nonstop. .
Noon ko lang din nakita si sir na magbigay ng malaking simpatya sa section namin. . Noong time na talagang "Epic Fail" na kami sa project namin. . Tinanong nya kung bakit kulang na kulang ang knowledge namin about the project. . Naiintindihan nya at binigyan naman kami ng konting "AWA?" hahahahaha
_________________________________________________________________________________
What can I say to Sir Louie?
Sir, first of all, salamat. . Sa knowledge, sa saya sa bawat meeting, sa biruan, sa tawanan, sa basagan, sa pick up lines at kung ano ano pang bagay na umikot sa classroom tuwing time ng MIS at DataCom. . Salamat po sa mas pagoopen sa amin sa ComSci world. . Sa pagbibigay sa amin ng mga payo ng isang kuya, at ng isang teacher. . Pag-graduate namin sir, inuman ulit tayo, gaya ng sabi nyo. . hahaha. . . Pagtripan ulit natin yung unang malalasing sa grupo. . . wahahaha. . Tapos, pasigawin natin sa tapat ng bahay ng kaklase pag lasing na lasing na talaga. . .
Sir, keep up the good work. . . Take care of yourself and Godbless. .
Ewan ko kung nilagay to ni xavier pero eto daw ang meaning ng "KUPAL" for you. . hahaha
K-knowledgeable
U-understanding
P-papansin. .
A-agony. .sa mga projects, hahaha
L-laugh trip
hahahaha. . .

Sir Thank YOU!!!!!
_________________________________________________________________________________200911109
Joshua Antonelli C. Austria a.k.a SasukeNiwa
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento